September 2011
58 posts
:) so happy to sing the theme song of GROWING UP… pinakabagong teen seryeng aabangan sa ABS-CBN… sa SEPTEMBER 4 na po yan… :) Thank you po sa inyong tiwala.. :)
the song is written by Mr. Jungee Marcelo :) ganda!
August 2011
55 posts
Mula sa pambihirang panulat ni Hoshi aka Mjhoshi Gonzales na supremo ng Hoshilandia, isang kwento’t paniniwala sa kung paano humawak ng baso at pakwan nang sabay! Wagas ang kagalakan ko’t pasasalamat, walang mapagsidlan pa ng mga sobra. Tribute, Achieve na achieve!
Noona Jube
Posted on Setyembre 1, 2011
by hitokirihoshi
I.
Alam kong MALAKI ang iyong hinaharap
Sagana ka kasi sa rekado
Ng isang taong may MATABANG Pangarap
II.
BUSOG ka sa mga mapaglarong Ideya
NANAKAM sa maaaksyong eksena
Parang utot pa lang tae na
III
Sa Pagluluto ikaw ay Explorer
Walang sangkap na pang- canister
Sa iyong FOODieSCAPE na anti-food disaster
IV.
Mahusay ka ring MANGALKAL ng basura
Pero hindi ka naman tipikal na BASURERA
Sapagka’t kalat mo sa scrapbook ang punta
V.
MASTER PANGANGALIKOT at PANGANGALABIT
Pakaliwa’t pakanan OBRA na sa ilang SAGLIT
Lente ng iyong diwa matindi kung MAG-INIT
VI.
Kung ihahambing kita sa musika, tunog mo’y JAZZ
Classic pero kayang maging super mega HIT
Nagpapaindayog mula bumbunan hanggang SINGIT.
VII.
Tulad ‘yan ng iyong love life na swak sa combo
Daig ang anumang tambalan sa radio
Pati na ang mga naka-body fit na super hero
VIII.
Kamukha mo daw si Chantal Umali
Tapos trip na trip mo pa si Hetty
Pero sa akin may similarities na kayo ni Sitti
IX
Subalit, sino pa man ang iyong maging kamukha
Ano man ang pangalan ang itawag sa iyo ng iba
Saan-saang venue ka man magkukuha
XI
Kikilalanin kita bilang aking scrapbook mentor
Masugid na bubwit sa in na music at latest travel
At bilang Noona Jube sa luto, litrato at saka trabaho
XII
Panalangin ko ang KASIYAHAN ng iyong PUSO
PAMAMAYAGPAG at pag-unlad pa ng inyong NEGOSYO
at Pagkakaroon ng MALUSOG na pangangatawan
MALIGAYANG KAARAWAN Noona Jube! ~Hoshi