Tarti-triten: Simbolo ng Tagumpay

 

Pausbong pa lamang ang cellphones noong una akong nakagamit nito. 2001 ay nagtapos ako ng kolehiyo at natanggap ko ang kauna-unahang telepono ng buhay ko. “Inutang ko pa ‘yan!” ‘Yon ang banggit sa akin ng proud kong ina sa pagkakaabot sa akin ng Nokia 3310. 

 

Nauuso pa ang Nokia 5110 noon at magara na kung mayroon kang nakawing Nokia 3210. Mangha na noon ang mga tao sa kalidad ng teleponong naglabasan, kahit pa monochrome display pa lamang ang mga ito kung ikukumpara sa teknolohiya sa ngayon na ‘di hamak na mas hi-tech na.

 

Gray ang kulay, iyon ang nakasaad sa labas ng karton. Candybar style phone. Amoy-bago, bagong-utang ika nga ng aking ina. Hindi ako magkandatuto sa pagpindot at pagtuklas sa kung ano ang kayang gawin ng teknolohiyang ito sa buhay ko. Gaya ng sabi sa manual, meron itong chat function, screensavers, madami itong built-in ringtones at ringtone composer, mga pampa-bongga ng buhay!

 

Masaya ako hindi lamang sa regalong natanggap ko kundi dahil sa natapos ko na ang apat na taong kurso na aking pinaghirapan at ng mga magulang ko. Ang mapagtagumpayan ang aking pag-aaral ay hindi biro at ito ang naging simbolo ng aking tagumpay na nagbigay sa akin nang mas matibay na inspirasyon upang pagsumikapan at paglabanan ang buhay. 

 

Hindi kumpleto ang bawat araw na hindi ko ito kasama at dala. Kambal ang turingan, walang iwanan! Naging saksi ito sa bawat tagumpay at kasawian ng buhay ko. Ito ang cellphone na nakasaksi ng pagkakaroon ko ng unang trabaho at ang pagtanggap ko ng una kong sweldo. Madami kaming pinagdaanan at maipagmamalaki kong kahit bagong Nokia phone na ang gamit ko, umaandar at nakatago lang ito hindi lang sa lagayan ko kundi sa puso ko. 

 

Likhang lahok sa Nokia Essay Writing Contest

  1. Camera: Nikon D90
  2. Aperture: f/5
  3. Exposure: 1/125th
  4. Focal Length: 50mm
blog comments powered by Disqus
  1. loveisfourteen said: na touch naman ako :))
  2. hitokirihoshi said: alam mo ba inggit na inggit ako dati sa naka-3310… pero nung sinabing may technical problem… kinalat ko na may mali. hahaha. good luck sa iyong entry sana manalo tayo!
  3. myphotographics posted this