Patuloy ang byahe ni Jube
21 June 2012 

Masarap ang minsang walang masyadong intindihin, hindi permanenteng mag-isa at may katahimikan sa paligid. Nakakangiti kahit kisame lang ang makikita sa pagmulat ng mga mata. May sapat na tulog pagkatapos ng puyat kagabi. Nakakain ng mainit na kanin para sa brunch. May nagpaparamdam ng pagmamahal. May mga kaibigang nandyan lang naka-antabay sa bawat peysbuk istatus. May trabahong naka-alalay sa mga gastusin. Ramdam ng katawan ang haplos ng tubig sa bawat buhos nito. May suklay na umaayos sa tangled hair. May mabangong pulbos na pumapawi sa kintab ng mukha dahil sa pawis. May palabas mula sa maliit na telebisyon kahit pa mahina ang sagap ng antenna. May mga makakasalamuhang hindi kilala pero may ngiti sa mukha. Mainit ang lansangan pero maaliwalas. Ang ulap kumakaway para sa isang magandang araw. At higit sa lahat, may kalsadang nawawalan din ng laman kahit once in a blue moon lang.

Tuloy Pa Rin, isang akmang background song para sa talang ito, bersyon ni Noel Cabangon mula sa kanyang album na Byahe, handog kopara sa inyong lahat! ;)

  1. Camera: Samsung GT-S6500D
  2. Aperture: f/2.6
  3. Exposure: 1/112th
  4. Focal Length: 2mm
blog comments powered by Disqus