Sa paghihintay ko sa isang commissioned shoot sa Teatrino, may naglaro sa isipan ko. Na-realize kong iisang beses pa lamang ako nakapag-suklay ng buhok sa araw na ‘yun. Tulungan n’yo akong hanapan ng sagot kung bakit.

A. Ang kagandahan ay ‘di naa-ayon sa kung ilang beses magsuklay. ‘Di baleng walang suklay kaysa walang toothbrush.
B. Ako, si grouch at ang mga trolls lang ang masaya sa bad hair days.
C. Hindi naman talaga sa buhok ang gamit ng suklay kundi sa likod.. pangkamot.
D. ‘Di naman kase comb ang english ng suklay kundi sucklie?
Heto ang official music video ng kanta ni Madonna na Borderline, isa sa mga kantang narinig ko noong gabing iyon. Peg na peg ko lang ang hairdo ni Madonna, pasyunista! Video mula sa MadonnaQueenOfficial.
Ang Borderline ay mula sa self-titled debut album ni Madonna na ini-release noong 1984 na isinulat ni Reggie Lucas at naging unang Top 10 Hit sa Billboard Hot 100.
Habang patuloy ang pakikinig sa mga luma at madalas new wave music sa aking background, heto nga’t nakagawa na naman ako ng kalokohan. May sagot ka na ba? Ako meron na. (17 Aug 2012)
I’d say..
1. Eat regulary and well.
2. Get enough sleep.
3. Be yourself.
4. Listen.
5. Don’t take anyone’s shit.
6. The best is yet to come.
7. If someone can’t make the effort to be in your life - they don’t deserve to be there.
8. You’re a work in progress.
9. A good cup of tea can solve just about anything.
10. Stick to your guns.
11. Dance.
12. Spend time with people who matter most.
13. Let MUSIC be your bestfriend.
Thanks for this post onehealthgoal. Have a nice day everyone! ;)
(Source: d3ssins)
Patuloy ang byahe ni Jube
21 June 2012
Masarap ang minsang walang masyadong intindihin, hindi permanenteng mag-isa at may katahimikan sa paligid. Nakakangiti kahit kisame lang ang makikita sa pagmulat ng mga mata. May sapat na tulog pagkatapos ng puyat kagabi. Nakakain ng mainit na kanin para sa brunch. May nagpaparamdam ng pagmamahal. May mga kaibigang nandyan lang naka-antabay sa bawat peysbuk istatus. May trabahong naka-alalay sa mga gastusin. Ramdam ng katawan ang haplos ng tubig sa bawat buhos nito. May suklay na umaayos sa tangled hair. May mabangong pulbos na pumapawi sa kintab ng mukha dahil sa pawis. May palabas mula sa maliit na telebisyon kahit pa mahina ang sagap ng antenna. May mga makakasalamuhang hindi kilala pero may ngiti sa mukha. Mainit ang lansangan pero maaliwalas. Ang ulap kumakaway para sa isang magandang araw. At higit sa lahat, may kalsadang nawawalan din ng laman kahit once in a blue moon lang.
Tuloy Pa Rin, isang akmang background song para sa talang ito, bersyon ni Noel Cabangon mula sa kanyang album na Byahe, handog kopara sa inyong lahat! ;)
Tanghaling tapat nang eksaktong mapasabay ako sa labasan ng mga bata mula eskwelahan, sandali akong napatigil sa harap ng isa sa mga pampublikong paaralan ng Antipolo at sa akin ngang pag-aabang ng sasakyan papuntang opisina ay madami akong na-obserbahan. Unang linggo ng pasukan kaya heto ang alay kong paskil at ang ilan sa aking nailista.
My Top Elementary School Trends
1. May mga batang abala at mahilig sa mga maliliit na puzzle pieces, nakasuksok ang mukha sa kantong bahagi ng eskwelahan habang binubutingting ang laruang nakuha nyang libre sa sitsirya na nabili sa malapit na sari-sari store ng eskwelahan. ‘Di bale nang ‘di kumain basta may toy na nakahain.
2. May mga kikay students na mas malalaki pa ang ribbon at headband sa buhok kaysa interes sa pag-aaral. In na in! Pero may mga bata din namang hinahabol ng suklay.
3. May mga unipormeng nilabhan sa mura at mamahaling bareta. Isang puti at isang putim.
4. Mayroong din namang maayos ang uniporme pero walang sapatos.
5. May batang nakasinelas lang pero naka-pink princess na bag. Malamang pink din ang pencil case nya.
6. May mga batang magkaiba ng laki at edad nila, magkasama’t magka-akbay, malamang magkapatid siguro sila pero pareho ang sukat ang uniporme nila.
7. Ang street food uso pa din sa mga bata, palamig, sorbetes, iskrambol at pisbol, habang ang mga bulilit na ito ay nagtitikiman sa bawat binili ng bawat isa sa kanila. Napakasarap maging bata, patikimin mo lang ng konting tamis at sarap ay masaya na.
8. May batang madaming dalang libro pero walang bag, hindi magkandamayaw ang kamay sa mga dalahin.
9. May mga batang di sundo, may sapin pa ang likod, alaga sa pulbos at sunod sa layaw, pero kapag tinanong siya ng nanay nya kung ano ang section nya ay hindi nya alam ang isasagot nya.
10. At may mga bibong bata na ma-kwento tungkol sa mga bagay na nangyari sa kanya sa eskwelahan, kung alin ang mga bagay na nagpasaya sa araw nya at tungkol sa mga school lessons na hindi naman pamilyar sa pinagkukwentuhan nya, ang magulang nya.
Ganyan din ang itsura ko noon, napagtanto kong maswerte pa din ako noong ako’y bata, noong ako’y nag-aaral pa, noong minsa’ng naranasan ko ding masilayan ang mundo sa mura pang isipan, noong puno pa ng pangarap, matapang at kuntento sa konting kaligayahang natatamasa. Napakasarap maging bata. So kids, don’t be in a hurry to grow up, its great to be young at pagbutihin ang pag-aaral.
Nuvali: Of fishes and bikes
07 May 2012
Besides my picture with the bikes in Nuvali (posted via Instagram) taken by the great Jellyn Alinsod, here’s my only shot proving that I came and I conquered this posh place even for a short period of time. Koi fishes were like piranha, saw them jumping over butterflies flying near the water, such a hungry golden aquatic vertebrates.
Check out my recent Laguna trip:
Hope to be back there soon with my partner. I heart Laguna!
Nuvali: Another Trip to Laguna
07 May 2012
Nuvali’s rent a bike (worth P60 for an hour rent) helps me to go around the place fast in a sunny noon, it’s in Sta. Rosa, Laguna, developed by Ayala Land becoming to be a business, commercial and residential district with a total of 1,840 hectare in area.
Nuvali Evoliving includes leisure amenities and facilities (man-made river where people can feed koi fish *P15/pack and ride on a speed boat which can accommodate a maximum of 10 people *P30/head, parks, biking and walking lanes, and other establishments such as schools, hospitals, restaurants and other services.
Its eco-architecture , the notorius school of koi fish (get to see as many koi fish at one time), the cat tails planted in the man-made river and the nice pathway caught my attention. Feed myself at Kanin Get It! after the sightseeing, affordable decent food in Nuvali.
For more details, checkout http://www.nuvali.ph/.
More photos HERE.
Nuvali | 07 May 2012
Enchanted Kingdom: with my EK bud, Jellyn
07 May 2012 | Sta. Rosa, Laguna
Yes, it has been a very busy weekend for us, we’re in Makati Shangri-La to cover for an event on saturday, celebrated Lola Chloe’s birthday on sunday, attended some Laguna trip on monday and some additional obligation because of this week’s newspaper production (our day job). We need to comply with three clients in the coming weeks ahead, indeed a fruitful start of the month. No time for Happy Pigs, yeah! that’s what I call Angry Birds instead.
By the way it’s also Ver’s birthday month, wishing him good health and more love this early, he’s been very hardworking all these years. Please whisper a little prayer for him and may he continually be blessed.
Sharing you guys some instagram photos of our visit in Enchanted Kingdom (Sta. Rosa, Laguna) courtesy of the bossagurl Sitti as she has been blessed to give more EK tickets to the kids of Silid Aralan, Inc.
I have to travel alone (without Ver because of the office production) all the way to Sta. Rosa to experience EK for the first time. Sabi ko nga sa instagram post ko kanina, “Perstaym. Kawawa na naman. Pagbigyan nyo na.” Meet my EK buddy, an anchor’s away addict and a co-zen, Jellyn. Thank God for friends like her who are willing to give up their whole day, just to make sure you get through yours okay.
We had fun trying almost all extreme rides and I’m proud to be a survivor of the Space Shuttle and the EKstreme Tower. We love the waters of Rio Grande Rapids and Jungle Log Jam, Jellyn can attest to that. And it has been a dream come true to hitch with the horses of Grand Carousel and to discover the sights of Wheel of Fate.
I’ll be posting more of EK and the Nuvali (which I visited first before heading to EK) soon.
Seeing and riding ferris wheel always reminds me of Regine Velasquez’s Perry’s Will song. Love its first line, “Ang gusto ko ay sumakay sa pagikot ng buhay”, and I love the song itself.
Birthday ni MJ ngayon, isang kaibigan, mentor at online buddy.
Bakit namin s’ya mahal?
Pasaway sa ‘di maawat na achievements, anak, kapatid, kaibigan, nars, PR Specialist, guro at ngayon ay Frontline International Label Manager sa MCA Music (UMP). Jose Rizal lang ang peg sa dami ng talent.
Music chika bang tayp mo? Maging tungkol pa yan sa artist o sa musikang nalikha nito ay malamang alam n’ya ang kwento. She always has stories to tell at impernes sa lola n’yo, hindi sya umi-echos lang, trulalu lahat!
Dahil isa sya sa naniwalang may talent kami sa music photography. Nagbibigay s’ya ng opportunity palagi para ma-enhance ang talent, mga points to consider para sa kabog na stratehiya at lakas ng loob.
Eh PR Specialist nga de bah? Rumampa para makatulong i-publish ang ilan sa mga OPM artist gaya ni Sitti, Aisaku, Yumi at madami pang iba.
More of being a food adventurer, alam n’ya kung nasaan ang mga dabes at masarap na kainan, panay ang kain eh! Pa-milk tea ka naman! LOL!
Masakit sa ulo ang pagiging generous sa tao yung tipong ndi mo malaman kung paano mo susuklian ang kabutihan, kaya naman nagkakasya na s’ya sa pasasalamat namin. Sakit sa ulo!
Maalam sa madaming klase ng musika. Bukod sa madami s’yang music recommendations, alam na alam din n’ya ang mga may talent na artist. Kinikilig din at tumitili sa saya gaya ng ibang pans kapag nakukuha ng atensyon ni artist at researcher din ng buhay nung artist. Tama ang iniisip mo, may pagka-stalker nga. Tanungin mo pa si Petra Mahalimuyak!
Aba, eh lahat ata binebenta nya, artist CDs, sabon, tsokolate, kinect, itouch, lotion, USANA prods., pups, name it, basta madami. May-ari ng TangerineSkies Artist PR at The Heirloom Manila.
Masayahin. Baliw-baliwan lang palagi. Hindi mahirap patawanin kase kahit ‘di mo s’ya pinatatawa eh nakatawa na agad. Alam na!
Walang salitang makakapuno sa ibig sabihin nito lalo na sa naniniwala sa kakayahan niya. She’s willing to stand by your side whenever you need her, ganun din kami sa kanya. Ang kumontra malamang hindi kayo in good terms, de bah teh?

Happy birthday MJ. Soar high, believe in yourself, reach for your dreams and we will always be here to support you all the way! Maraming salamat sa lahat ng pagtitiwala at suporta mo. Flash, bam, more blessing to come!!!
♥♥♥ LuvLots ♥♥♥ VerJube ♥♥♥
“For the record, I’m inspired”
A graduation speech for UP MassComm Batch 2012
by Lourd de Veyra | 22 Apr 2012

Full transcript of the speech HERE.
My Top 5 best things which makes sense
“Pero hindi pa rin maiiwasan na may magtanong sa Twitter kung ano daw ang capital ng Pakistan. Kung may Internet connection ka, you could have saved yourself the humiliation of being called stupid and instead make GMG: “Google mo, gago!”
“Hindi lahat ng may impormasyon ay may talino. Sa mundong umaapaw sa datos, wala na tayong excuse maging mangmang.”
“Eksampol na lang nito ang panonood ng concert habang nagvi-video ng performance. Para kang tanga: ilang oras kang nakahawak sa cellphone mo, nakataas ang kamay, at sa proseso ay nalimutan mo ang dapat mong pakay: ang mag-enjoy sa konsyerto.”
“Gayunpaman, ang swerte ko pa rin dahil sa kalayaang binigay sa akin ng mga boss na isulat ang gusto kong isulat—wag lang libelous. Nagpapasalamat din ako sa Gloria Macapagal Arroyo at Kris Aquino sa walang humpay na materyal na binibigay nila. Buti na lang at hindi ako brodkaster sa probinsiya— sa mga ganun, walang sense of humor ang mga politiko.”
“Walang bagay sa mundo ang hindi napapagaan ng pagkakaroon ng sense of humor.”
“Mahalin mo ang ginagawa mo. Huwag magtatagal sa isang trabahong hindi mo gusto? Bakit mo naman gagawin yun? Dahil sa salapi? Darating din yan, basta buhos mo lang ang kaya mo..”
“Paalala ng lupa
Na paa’y nakatapak,
Paglakad sa lansangan
Nakatingin sa bituin. “
”at sana ay huwag kayong makaapak ng tae ng kalabaw sa landas niyong tatahakin. Kung sakali man, sumayaw ka na lang.”
Kaya’t heto ang video mula sa news5philippines.
Sinong hindi mai-inspire sa ganitong kaganda’t makatotohanang mga salita? Parang Word of The Lourd lang lagi. Pakiramdam ko, fresh grad uli ako, bilasa lang on the outside, ganun yata talaga ang itsura ng hindi lang nakatapak kundi sumawsaw pa ang paa sa tae ng kalabaw nang literal, habang nakatingin sa bituin ay nagsasayaw pa din. Sambaaaa! ~Jube
Lourd de Veyra’s photo above is courtesy of http://www.interaksyon.com. Congrats Lourd! ;)
V-dolls
23 Apr 2012 | Ortigas
Handmade traditional Vietnamese doll magnets courtesy of Sir Joseph Gonzales, each magnet set has a male and female doll dressed in traditional ‘Ao Dai’, a piece of Vietnam carried home as souvenir.
Scrapbooking with Clara C’s Offbeat
♫♪ Forget the air
I’ll breathe you instead
Fill up my lungs
Forget to exhale
Exhaaaale ~Clara C
Busy fine day underneath the haze, stressed after creating about more than 10 article layouts for our newspaper deadline today.
Now needing some air to breathe while listening to Clara C’s Offbeat, that’s the lyrics above, taking some break before doing more day job tasks.
It has been quite sometime since I’ve made a scrapbook for myself. After figuring out that I want to make one then I decided to buy the book where I can put some memoirs of myself. I’m so excited to officially start this project but for now here’s the book I’m talking about which I bought in Papemelrotti and some li’l art in my heart. ♥♥♥
Laguna: A Memoir
08 Apr 2012
Reminds me of a girl that I used to know in her childhood days, who used to play and chat endlessly with classmates in school ground after classes, who’s wearing torn clothes and leave her hair uncombed, who rides a bike in a gray rotten backpack when she doesn’t know how to ride a bike yet, who eats nothing but candy, near the stage under the trees on a summer afternoon like this. Now she’s all grown up and with a beanie on her head, she’s still darn cute.
WARNING: Don’t cha forget to click links.
Laguna: VJP’s Easter Sunday Visita Iglesia 2012
Magdalena, Laguna | 08 Apr 2012
Laguna’s Underground Cemetery: VJP’s Easter Sunday Visita Iglesia 2012
08 Apr 2012
Tranquil Laguna, it’s nice to see you back! Muli’t muling babalikan, iba ka Laguna.
Here’s a not so good photo of us at the Underground Cemetery in Nagcarlan, dry season on a cloudy atmosphere overlooking Mount Banahaw, part of our Visita Iglesia this year. We’ll post more photos soon.
The Nagcarlan Underground Cemetery is considered a national historical landmark because its underground crypt was used as a secret meeting place in 1896 by Filipino revolutionaries or Katipuneros, members of the KKK. During the Filipino-American War, Filipino patriots also used the underground cemetery to formulate their battle plans and to seek shelter. It also became a safehouse for Filipino guerillas during World War II. ~www.lagunatravelguide.com
CLICK HERE to view last year’s blog featuring our Visita Iglesia in Laguna.
Travel: VJP’s Easter Sunday Visita Iglesia @ Laguna
The Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna | 08 Apr 2012
Mungkahi ng Inip
ni Jube | 03 Apr 2012/Holy Tuesday | Ortigas
Mainit, ma-traffic dahil color coding ay suspended
Abala na sa busy streets mga friends!
Ang iba napapapikit, naiidlip
Ayaw na makita ang araw-araw na problema sa kalsada.
Napapanahon dahil kwaresma o kahit hindi pa
Trapiko sa ‘Pinas sadyang malala na, pulitiko nasa’n ka na?
Usok ‘di na rin alintana
Basa ka muna ng dyaryo o kaya’y ng librong dala.
Patuloy ang patak ng pawis ngunit walang magawa, nakatunganga,
Kung kailan darating sa patutunguhan ay bahala na
Kinig muna sa musikang hatid ng iyong gadget
O mag-t’yaga na lang sa rap remix sa mga jeep.
Makitid bang kalsada o dahil sa dami ng sasakyan kaya?
Isipin kaibigan, baka naman dahil kulang sa disiplina
Pinoy ako, Pinoy tayo, ba’t ‘di magkasundo sa kakarampot na daang ito?
Bakit ‘di magbigayan upang magmamahala’y mamayani, tiyak sikip ng trapiko’y mapawi.
Lubak-lubak na, nakasimangot pa
Init ng ulo’y walang patutunguhan, why you’re so hard to handle naman?
Konting gusot masusolusyunan
Kung imbes na pagsalubong ng kilay mo’y ngumiti na lang.
Traffic signs ba’y kilala mo?
Pagsunod sa batas trapiko’y gawing panata mo
Upang traffic enforcers ay wala ng gawin
Hindi ka na huhulihin, hindi ka na dudupangin.
Tuwid naman ang daan, PNoy nabakbak lang!
Kalyeng laging butas, bakit nga ba laging butas?
Nakaka-imbyernang madalas
Kurakot sa kalsada’y ‘di na nagwakas.